BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, September 22, 2011

Haplos Ng Palad

Sa mga sandaling ako'y nag-iisa

at iniwan ng mga taong akala ko'y makakasama
sa mga lungkot at pighating akin ngayong nadarama
ay gusto ko ng sumuko dulot sa dami ng problema

May mga sandali ring 'di ko lubos maintindihan
pero alam kong nandiyan lang ang May Likhang nakamasid
sa mga pagkakataong gusto ko ng sumuko sa laban
Siya ang aking nagiging lakas at natatanging sandigan

Maraming mga sandaling nakaklimot ako sa Kaniya
at may mga pagkakataon ding sinusumbatan ko Siya
subalit ngayon ko lang naisip na sa kabila ng pagdurusa
Siya lamang ang malalapitan ko sa lahat ng aking problema

Ang pananalig ko sa Kaniya ay walang kapantay
sapagkat Siya ang mananatili kong kakampi sa aking buhay
kahit pa dumating ang araw ng aking pagkamatay
haplos ng palad Niya ang saki'y magpapatibay.


0 (mga) puna: